NEWS
  • 03 Jun, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

Consultation Meeting at Registration ng Sitio Magalolon Fisherfolk Association.

June 3, 2024

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Ngayung araw personal na inatasan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan , si Sectoral Officer / EA ll Angelito Presoris upang gabayan ang mga kinatawan ng DSWD at BFAR Regional Office sa isang Consultation Meeting at Registration ng Sitio Magalolon Fisherfolk Association.

Layunin po ng DSWD at BFAR na maging benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang mga mangingisda ng Sitio Magalolon. Kapag nakapasa sa validation, sila ay mabibigyan ng puhunan na palalaguin at mga livelihood trainings mula sa BFAR. Katuwang din natin sa programang ito ang MSWDO sa pangangasiwa ni Gng. Aime Magana at MAO sa pangangasiwa ni Gng. Liza Laitan Yee.

Ang buong suporta ng inyong lingkod Mayor Sandy P. Laganapan, sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro at gayundin ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa mga programang lubos na makatutulong sa ating mga mamamayan.

Maraming salamat po!

#SPL "SerbisyoParasaLahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan