NEWS
  • 23 May, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Department of Trade and Industry (DTI) Diskwento Caravan

May 19,2023

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Sa pakikipag-ugnayan ng Tanggapan ng Punongbayan sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan , katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice-Mayor Christopher Ramiro malugod namin kayong iniimbitahan sa gaganaping Department of Trade and Industry (DTI) Diskwento Caravan sa ika-22 ng Mayo 2023 sa Kalayaan Municipal Ground, 9:00am - 5:00pm.

Ang programang ito ng DTI, sa tulong ng Lokal na Pamahalaan at ng mga partner manufacturers at distributors ay naglalayon na madala sa ating mga kababayan ang mga pangunahing bilihin at pangangailangan sa mas murang halaga dahilan upang mas makatipid ang mga konsyumer.

Sa mga kababayan natin, sa mga nanay na naglalaan ng pang-grocery, sa mga may negosyo at sa mga may sari-sari store samantalahin po natin ang pagkakataong ito na makabili ng mas murang mga produkto.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"BayangMayDisiplinaSerbisyongMayMalasakit"

#OneKalayaan