NEWS
  • 15 Apr, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"DISTRIBUTION OF CERTIFIED SEEDS"

April 15, 2024

"DISTRIBUTION OF CERTIFIED

SEEDS"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Isang makabuluhang araw ang muling naganap matapos maghandog tayo ng Certified Seeds ang ating Pamahalaang Bayan sa mga magigiting nating magsasaka.

Naisakatuparan ang pamamahaging ito na pinangunahan ng ating Municipal Agriculture Office na pinamumunuan ni Dr. Liza Laitan Yee.

Ang ayudang ito ay mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Program ng Department of Agriculture (DA) at naglalayon na mas maparami ang ani sa pamamagitan ng pag-gamit ng de-kalidad na binhi mula sa DA.

Ang pagpapahalaga ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan sa ating mga magsasaka ay katulad rin ng pagpapahalaga sa ating bayan. Gayundin ang patuloy na pagbibigay serbisyo at diretsong pagsuporta sa ating mga nasasakupan ay susi sa magandang kinabukasan ng Bayan ng Kalayaan.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan