NEWS
  • 29 Apr, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"DISTRIBUTION OF CERTIFIED SEEDS FROM DA PHILRICE UNDER RCEF"

Abril 29, 2024

"DISTRIBUTION OF CERTIFIED

SEEDS FROM DA PHILRICE UNDER RCEF"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Isang makabuluhang araw ang muling naganap matapos tayong mag handog ng Certified Seeds sa ating mga masisipag at magigiting na magsasaka dito sa Bayan ng Kalayaan.

Naisakatuparan ang pamamahaging ito sa pananguna ng ating Municipal Agriculture Office na pinamumunuan ni Dr. Liza Laitan Yee.

Ang ayudang ito ay mula sa PHILRICE sa ilalim ng Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Program ng Department of Agriculture (DA) at ito ay naglalayon na mas maparami ang ani sa pamamagitan ng pag-gamit ng de-kalidad na binhi mula sa DA.

Ang pagpapahalaga ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan at Vice mayor Christopher Ramiro kasama ang sangguniang bayan gayun din ang ating pambayang administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa ating mga magsasaka ay katulad rin ng pagpapahalaga sa ating bayan. Ang patuloy na pagbibigay serbisyo at diretsong pagsuporta sa ating mga nasasakupan ay susi sa magandang kinabukasan ng Bayan ng Kalayaan.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan