NEWS
  • 07 Feb, 2022
  • BY: KALAYAAN LGU

E-TABLETS DISTRIBUTION

Pebrero 7, 2022

E-TABLETS DISTRIBUTION

"Suportang e-Tablet: Proyekto at Layunin para sa Kabataan ng Kalayaan"

Isang mapagpalang araw, ,mga minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw ay nagkaroon tayo ng 'E-Tablets Distribution' na may temang, 'Suportang E-Tablet: Proyekto at Layunin para sa Kabataan ng Kalayaan'. Katulad ng nakasaad na tema, layunin ng ating Pamahalaang Bayan na makapaghandog ng karagdagang tulong sa mga mag-aaral sa atin bayan.

Ang mga benepisyaryo ng E-tablet na ito ay ang mga piling mag-aaral ng Junior at Senior High School. Mga mag-aaral na higit na nagangailangan ng bagay na ito upang mas maging makabuluhan at maganda ang kanilang paraan ng pag-aaral.

Dahil dito, pasasalamat para sa lahat ng mga naging bahagi ng proyektong ito. Maraming salamat sa ating Pambayang Administrador, Admin Kris Anne L. Pesigan sa pangunguna rito. Gayundin sa ating District Supervisor, Dr. Bernon G. Abellera at sa lahat ng mga kaguruan. Ang inyo pong lingkod ay handang tumulong at patuloy na magbigay ng alalay para sa ating mga susunod na lider ng Bayan.

Maraming salamat po at manitili po tayong ligtas.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan