NEWS
  • 21 May, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"EXECOM"

Mayo 20, 2024

"EXECOM"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw ay naganap ang isang makabuluhang pagpupulong sa ating munisipalidad at ito dinaluhan ng mga punong tagapamahala sa bawat tanggapan ng ating pamahalaang bayan sa pangunguna ni MLGOO Gng. Robles Abejon Ma Aurora.

Ang pangunahing layunin ng pagpupulong na ito ay upang mas mapaghandaan ng ating bayan ang paparating na SGLG validation sa darating na Hunyo upang nang sagayun ay muli na naman nating makamit ang prestihiyosong pagkilala na ito.

Malaki ang tiwala ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ng ating Vice Mayor Christopher Ramiro, at gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa sipag at dedikasyon ng bawat nanunungkulan at empleyado ng ating Bayan.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan