NEWS
  • 24 May, 2022
  • BY: KALAYAAN LGU

FISHING GEAR DISTRIBUTION

Mayo 12, 2022

FISHING GEAR DISTRIBUTION

Mapagpalang Araw, Bayan ng Kalayaan!

Ngayong araw, tayo ay nagkaroon ng pamamahagi ng ating mga fishing gears and equipments para sa ating samahan ng mga mangingisda dito sa ating Bayan ng Kalayaan, partikular sa Barangay Longos at San Juan. Ang mga ipinamahagi natin sa kanila ay ang mga bulto ng lambat, screen at bubu.

Dahil dito, ang inyong lingkod, Mayor Sandy P. Laganapan ay nagpapasalamat sa mga tumulong sa pamimigay ng mga ito. Sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan , Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pangunguna ni Ms. Liza L. Yee at sa ating Sectoral section sa pangunguna ni G. Angelito Q. Presoris.

Hangad namin na nag mga ito ay makatulong sa mas maraming huling isda at iba pang lamang dagat. Maraming Salamat po!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan