NEWS
  • 24 Aug, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

FLAG RAISING CEREMONY

Agosto 14,2023

FLAG RAISING CEREMONY

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Sinimulan ng ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan bilang kinatawan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Christopher Ramiro ang lingguhang programa ng pagtataas ng watawat sa ating Bahay Pamahalaan ngayong Lunes.

Ang nanguna sa ating lingguhang programa ay ang Municipal Economic Enterprise Office sa pamumuno ni Gng. Marifi M. Macawili.

Kasabay nito ay ang pakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan na may temang" Green Skills for Youth: Towards a Sustainable World"

Palagiang paalala ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan na simulan ang ating linggo na may positibong pananaw at may ngiti sa ating mga labi upang maging maayos ang ating buong-pusong serbisyong paglilingkod at may malasakit sa ating mga kababayang kalayaeños.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan