NEWS
  • 13 Dec, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

"GAWAD KALASAG SEAL OF EXELLENCE TO MUNICIPALITY OF KALAYAAN"

December 12, 2023

CONGRATULATIONS BAYAN NG KALAYAAN!

"GAWAD KALASAG SEAL OF EXELLENCE TO MUNICIPALITY OF KALAYAAN"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Nakatanggap ng Gawad Kalasag Seal of Excellence ang ating bayan mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ginanap na Gawad Kalasag National Awarding Ceremony.

Ito ay matapos nating magkamit ng 2.69 rating Beyond compliant sa Gawad Kalasag Seal for Local Disaster Risk Reduction and Management Council and Offices (LDRRMCOs)category.

Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat,Ipagpatuloy lamang natin ang serbisyong may malasakit at buong pusong-paglilingkod.

Palagi lamang nakasuporta ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan sa magandang hangarin upang mas mapaganda at mapaunlad pa ang ating bayan.

Pasasalamat sa ating Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office sa pangunguna ni Gng. Reinelsa Barojabo Corpuz at sa lahat ng naging katuwang upang maisaayos ang mga dokumento at iba pang mga kinakailangan.

MABUHAY ANG BAYAN NG KALAYAAN!

#SPL”Serbisyo Para sa Lahat”

“Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit”

#OneKalayaan