NEWS
  • 22 Jun, 2022
  • BY: KALAYAAN LGU

INAGURASYON 2022

HUNYO 21, 2022

INAGURASYON 2022

Mapagpalang Araw, mga minamahal kong Kalayaeños!

Mula sa aking kalooban ay ang aking pasasalamat sa inyong muling pagtitiwala sa inyong lingkod, Mayor Sandy P. Laganapan upang muling tumayo bilang ama ng ating Bayan ng Kalayaan.

Ako ay nagpapasalamat rin sa lahat ng nakiisa sa naganap na Inagurasyon kahapon, Hunyo 20, 2022 dito sa ating Pamahalaang Bayan. Salamat rin sa pagsuporta sa ating mga bagong halal na miyembro ng Sangguniang Bayan gayundin sa ating baong halal na Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Christopher P. Ramiro.

Salamat po sa lahat ng mga Pinunong Tanggapan at mga kawani, mga gumalaw aty namuno sa inagurasyon, mga kagalang-galang ng Punong Barangay at kanilang mga kagawad, mga Sk Chairman at kanilang mga kagawad. Salamat rin sa mga kapamilya ng bawat isa sa amin lalo at higit sa aking pamilya na simula umpisa ay nariyan pa rin. At sa inyo, mga minamahal kong Kalayaeños sa muling paghirang sa inyong lingkod bilang muling Ama ng Bayan ng Kalayaan. Kayo ang dahilan ng aking muling pagtatagumpay.

Salamat rin po sa ating kagalang- galang ng Congressman, Benjamin C. Agarao sa pagdalo at pangunguna sa inagurasyon at pati na rin sa ating bagong halal na Congressman ng ika-apat na distrito, Kgg. Jam Agarao.

Muli, ang inyong lingkod, Mayor Sandy P. Laganapan ay nagpapadala ng aking pasasalamat. Halina at ipagpatuloy ang SERBISYO PARA SA LAHAT. Mabuhay! Bayan ng Kalayaan.

#SPL 'Serbisyo Para sa Lahat'

'Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit'

#OneKalayaan