NEWS
  • 30 Nov, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

"INCIDENT COMMAND SYSTEM-EXECUTIVE COURSE (ICS-EC)"

Nobyembre 30,2023

"INCIDENT COMMAND SYSTEM-EXECUTIVE COURSE (ICS-EC)"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Noong ika-28 ng Nobyembre 2023 ay nagsagawa ng Incident Command System-Executive Course ang OCD para sa ating mga Local Chief Executives and Other Decision Makers sa pamamahala ng isang insedente,ito man ay kalamidad o planned events. Upang ang Bayan ng Kalayaan ay maging mas matatag sa kalamidad. Sa pangunguna ng Office of the Civil Defense sa pangangasiwa ng naging Course Monitor Mr. Tadeo D. Sagritalo.

Ang aktibidad na ito ay hindi magiging posible sa tulong ng PDRRMO Laguna.Ito ay dinaluhan ng kabuuang 32 kalahok na binubuo ng mga Local Chief Executive,Vice Mayor, PNP,Barangay Longos,San Juan,at San Antonio,at mga Punong Departamento.

Isa sa mga pangunahing programa ng OCD ang kurso ay naglalayong bumuo ng mas mahusay na pagpapahalaga at pagunawa sa ICS sa antas ng pamamahala.

Pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapankasama ang ating Vice-Mayor Christopher Ramiro sa Office of the Civil Defense-Calabarzon at PDRRMO para sa kamangha-manghang pagkakataong ibinigay sa amin.

Muli,maraming salamat po!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan