"INFORMATION, EDUCATION AND COMMUNICATION (IEC) ACTIVITY"
May 15, 2024
"INFORMATION, EDUCATION AND COMMUNICATION (IEC) ACTIVITY"
Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!
Sa pangunguna ng Tanggapan ng Punongbayan, isinagawa ngayong araw ang isang Information, Education and Communication (IEC) activity patungkol sa proposed 140MW Floating Solar Power Project ng GigaWind1 na itatayo sa baybayin ng Laguna de Bay na nasasakupan ng bayan ng Kalayaan.
Pangunahing layunin ng aktibidad na ito na mapataas ang kaalaman ng ating mga kababayan patungkol sa proyektong ito. Ang mga benepisyo at mga prebilehiyo at mga tulong pang- komunidad na nais ibahagi sa atin ng kumpanyang kaagapay natin sa proyektong ito.
Patuloy ang pagkilos at pag pupursigi ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro at sa ating Pambayang Administrador Bb. Kris Anne Laganapan Pesigan na makapag dala ng ganitong mga proyekto sa ating bayan na sya namang magbibigay ng mas malaking tulong at oportunidad sa ating mga minamahala na Kalayaeños.
Maraming salamat po!
#SPL "SerbisyoParasaLahat"