NEWS
  • 12 Sep, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Isinagawa ang isang pagpupulong sa pagitan ng pamunuan

Septyembre 01, 2023

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw, sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy P. Laganapan ay isinagawa ang isang pagpupulong sa pagitan ng pamunuan ng San Juan Farmers Association, San Juan Kalayaan Agriculture Cooperative, Municipal Agriculture Office, Sectoral Section Kalayaan Laguna at mga kinatawan mula sa National Irrigation Authority (NIA), Department of Agriculture (DA) at PhilMech.

Tinalakay sa pagpupulong ang pagsasaayos ng pamamahala sa mga makinaryang pangsakahan na kaloob ng National Government at mga nakalinya pang programa at ayuda mula sa ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na ipagkakaloob sa pamahalaang Bayan ng Kalayaan partikular sa ating sektor ng magsasaka.

Pasasalamat sa ating Pambayang Agrikultor Gng.Liza Laitan Yee sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher P. Ramiro at sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan-Pesigan sa palagiang pagsuporta at paniniguro ng mga programang kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan