NEWS
  • 23 May, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Jayvee D. Ferrer - BRONZE MEDALIST sa kategoryang Judo Mens- 90 kg (SEA Games 2023)

Mayo 18, 2023

Mabuhay at maka-kabataang araw!

Ang seksyon po ng Pagpapaunlad sa Kabataan sa ilalim ng Tanggapan ng Punong Bayan ay nagpapahatid ng pagbati para sa isa natin kabataan mula sa Barangay San Antonio. Pagbati sa iyo, G. Jayvee D. Ferrer!

Si G. Jayvee, kasama ang Philippine Judo Team ay lumipad patungo sa Cambodia para sa 2023 Southeast Asian Games. Sa pagtatapos na laban ay nagkamit at hinirang si G. Ferrer na BRONZE MEDALIST sa kategoryang Judo Mens- 90 kg.

Pagbati muli sa iyo, G. Jayvee D. Ferrer. Ang buong bayan ng Kalayaan sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Mayor Sandy P. Laganapan. Katuwang ang ating Pangalawang Punong Bayan, Vice Mayor Christopher P. Ramiro at buong Sangguniang Bayan. Kasama rin ang ating Pambayang Administrador, Admin. Kris Anne L. Pesigan ay buong loob kang ipinagmamalaki.

Maraming Salamat sa pagbibigay ng karangalan sa ating natatanging bayan! Mabuhay ang Kabataang Kalayaeño!

#SEAGames2023

#kalayaanlydo2023

#kabataangkalayaeño

#SPL 'Serbisyo Para sa Lahat'

'Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit'

#OneKalayaan