NEWS
  • 12 Aug, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"LINGGUHANG PAG TATAAS NG WATAWAT"

Agosto 12, 2024

"LINGGUHANG PAG TATAAS NG WATAWAT"

Isang mapagpalang araw minamahal kong Kalayaeños!

Ngayung araw ay muli tayong pinagkalooban ng ating dakilang lumikha ng isang magandang araw upang matagumpay na maisagawa ang lingguhang seremonya ng pagtataas ng watawat na pinangunahan ng pambayang tanggapan ng tagatalang sibil sa pangangasiwa ng ating MCRO Adelaida Agana at kanyang mga kasamahan.

Kasamang dumalo ng Inyong Lingkod Mayor Sandy Laganapan ang Sangguniang Bayan sa Pangunguna ng Ating Vice Mayor Christopher Ramiro at matapos ang seremonya magiliw na tinawag isa isang ng tagapagpadaloy ng palatuntunan ang ating mga pinunong tanggapan upang panggunahan ang gawaing pag eehersisyo sa umagang ito.

Maraming salamat po!

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan