NEWS
  • 12 Aug, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"RHU KALAYAAN RED CROSS PLATINUM AWARDEE"

Agosto 12, 2024

"RHU KALAYAAN RED CROSS PLATINUM AWARDEE"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Matapos ang seremonya ng pagtataas ng watawat buong kagalakang ibinalita ay inihandog ng ating Dra. Rica Abadier Paraiso-Pamatmat ang nakamit na Platinum award ng ating Rhu Kalayaan Laguna para sa hindi matatawarang ambag ng ating Bayan sa Philippine Red Cross at National Blood Services Program kung saan tayo ay nakalikom ng 270 bags ng dugo na katumbas ng 121,500 cc ng dugo mag mula noong Enero 1 hanggang Disyembre 31 taong 2023.

Lubos ang pasasalamat ng Inyong Lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa Pangunguna ng ating Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa sipag at dedikasyon ng ating Dra. Rica Abadier Paraiso-Pamatmat, kanyang mga kasamahan at lalong higit sa ating mga bayaning kababayan na boluntaryong nag ambag ng kanilang mga dugo.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasaki"

#OneKalayaan