NEWS
  • 15 Apr, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

Job Hiring ng EPSON Company dito sa Municipality of Kalayaan

Isang magandang araw sa inyong lahat! Sa makulay na umaga ng April 12, 2024, isang tagumpay ang naging pagdaraos ng Job Hiring ng EPSON Company dito sa Municipality of Kalayaan. Sa gabay at liderato ng ating minamahal na punong bayan, Mayor Sandy Laganapan, kasama ang ating masipag na Administrador Kris Anne Laganapan Pesigann, nagtipon ang mga nagnanais magtrabaho mula sa iba't ibang bayan. Ito'y isang diwa ng pag-asa at pagkakaisa sa pagtataguyod ng mga pangarap at oportunidad sa ating komunidad.

#SerbisyoParasaLahat

#BayangmayDisiplinaSerbisyongmayMalasakit

#OneKalayaan