NEWS
  • 03 Nov, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

"KALAYAAN ENCHANTED COMPETITION 2023"

"KALAYAAN ENCHANTED COMPETITION 2023"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Upang mapasaya ang selebrasyon ng Halloween sa ating Bahay Pamahalaan, noong ika- 27 araw ng Biyernes, ay pinangunahan ng ating Mswdo Kalayaan Laguna sa pamumuno ni MSWDO Aime Magana katuwang ang Kalayaan Tourism sa pamumuno din ni Tourism Officer G. Herben C. Dela Paz ang Kalayaan's Enchanted Competition.

Nasaksihan natin ang pagkakaisa ng ating mga mamamayan lalot higit ang ating mga batang nakilahok gayundin din ang iba't-ibang departamento ng Pamahalaang Bayan ng Kalayan upang makiisa sa nasabing programa. Dito natin napatunayan na ang buong- pusong pakikisaya ay nagdudulot ng positibong epekto katulad na lamang ng pagkakaiisa. Kaysarap sa pakiramdam ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan na ating napasaya at napagka-isa ang bawat mamamayan dito sa ating bayan at naibigay ang buong-pusong paglilingkod sa pamamagitan ng selebrasyong ito.

Maraming salamat po.

HAPPY HALLOWEEN BAYAN NG KALAYAAN!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit""

#OneKalayaan