NEWS
  • 22 Apr, 2022
  • BY: KALAYAAN LGU

"KALAYAAN FIRE STATION GROUNDBREAKING CEREMONY"

"KALAYAAN FIRE STATION GROUNDBREAKING CEREMONY"

Abril 8, 2022

Isang Mapagpalang araw minamahal kong Kalayeños,

Isa sa aking pangarap para sa ating Bayan ang magkaroon ng Fire Station at fire truck upang sa kahandaan sa sakuna na may kaugnayan sa apoy. Kung inyo pong matatandaan, nuong nakaraang taon ay nagkaron tayo ng fire truck sa pamamagitan ng inyong lingkod na nagmula sa pondo ng Pamahalaang Bayan na nakapaloob sa MDRRM.

At....

Para naman po sa Fire Station na inaasam asam ng inyong lingkod para sa ating bayan at para sa mamamayan ng ating Bayan ay naganap na po kanina ang "Groundbreaking Ceremony" ng ating magiging FIRE STATION na dinaluhan ng Regional Director FCSUPT ROBERTO M GENAVE,DSC represented by Regional Chief Of Staff FSSUPT ANTONIO O SOBEJANA IV. Provincial Fire Marshal FSUPT ARIEL C AVILLA. Municipal Fire Marshal SFO4 Conrado V Napoles Jr. Ayon po sa kanila ito ay masisimulan makatapos ang mahal na araw.

Lubos lubos ang aking pasasalamat at tuwa na naramdaman sa isa nanaman nating nakamtan na biyaya sa pamamagitan ng sipag at tyaga ng inyong lingkod at aking mga kasamahan sa Sangguniang Bayan, Bfp Kalayaan Fs Laguna at mga kawani. Kaya't maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

Maraming Salamat at mabuhay!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

#OneKalayaan

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"