NEWS
  • 09 Jul, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"KALAYAAN STAKEHOLDERS' MEETING FOR HEALTH"

Hulyo 3, 2024

"KALAYAAN STAKEHOLDERS' MEETING FOR HEALTH"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños

Ang inyo pong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Kasama ang ating Vice-Mayor Christopher Ramiro at Sangguniang Bayan, ay malugod na tinanggap ang mga estudyante mula sa UP-MPH 280, na ini endorso sa ating Municipal Health Officer na si Dr. Rica Abadier Paraiso-Pamatmat, mula sa Provincial Health Office sa pamamagitan ni G. Noel Rabajante na Isang Provincial Health Education and Promotion Officer.

Ang layunin Po ng mga estudyanteng ito ay pag-aralan ang sitwasyong pangkalusugan ng ating bayan, at mabalangkas kung alin ang higit na nangangailangan ng solusyon at gawan ito ng kalutasan at programa upang ng sa ganon ay maayos na natin itong maipaabot sa aking Mahal na mga Kalayaeños.

Tunay na masasabi ko na kapakipakinabang ang mga proyekto na nagagawa ng mga taga UP -MPH 280 sa ating bayan.

Kaya't ang inyong lingkod, Committee on Health Darwin Ponce at bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Vice Mayor gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ay hangad Ang katagumpayan ng kanilang mga pagsisikap.

Dahil Dito sa Kalayaan ang pag sulong ng bayan ang aming pangarap.

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakiy"

#OneKalayaan