'’Kalidad ng Edukasyon lalong Patatagin sa gitna ng Pandemya'’
October 6-7, 2021
'’Kalidad ng Edukasyon lalong Patatagin sa gitna ng Pandemya'’
Isang Mapagpalang Araw mga minamahal kong Kalayaeños,
Bilang silbing tulong at pag-alalay para sa patuloy na pag-aaral ng ating mga kabataang Kalayaeños. Muli tayong nagsagawa ng schools supplies distribution para sa ating mga piling mag-aaral sa elementarya.
Ang mga naging benepisyaryo ng naturang programang ito ay nagmula sa ating mga minamahal na guro, sapagkat sila ang mas may kilala sa kanilang mga mag-aaral na syang may higit na may pangangailangan.
Ito ay nagmula sa mga eskwelahan ng,
San Antonio Elementary School
Sitio Kalayaan Elementary School
Sitio Magalolon Elementary School
Sitio Lunao Elementary School
Longos Elementary School
San Juan Central School
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng ating Pambayang Administrador, Admin Kris Anne L. Pesigan at ng Tanggapan ng Punong Bayan. Gayundin, sa ating Sectoral Officer, Mr. Angelito Q. Presoris.
Nais kong pasalamatan ang ating District Supervisor, Dr. Bernon G. Abellera mga punungguro at guro ng bawat paaaralan ng ating bayan sa pakikiisa sa programang ito at sa bukas pusong pag welcome sa aking mga kasamahan. Sa lahat ng mga magulang ng mga mag-aaral ng Bayan ng Kalayaan maraming salamat po sa inyong pagbibigay oras sa programang ito para inyong mga anak.
Sa ikalawang taong pagsasagawa ng aktibidad na ito ay nag-uumapaw pa rin ang aking kasiyahan na makitang may natutulungan ang programang ito. Mga munting bata na may munting pangarap.
Hangad ko na sa mumunting paraan at tulong na ito ay makapagpasaya at makapagbigay ito ng kagaanan sa inyong pag-aaral. Mabuhay Kabataan, pag-asa ng ating Bayan!
Maraming salamat po at ingat po ang lahat.
#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"