NEWS
  • 20 Jul, 2022
  • BY: KALAYAAN LGU

Kwentuhan Series- Kalayaan 1st Founding Anniversary

Hulyo 18, 2022

Pagbati, Bayan ng Kalayaan!

Nagsimula na ngayong araw ang pagdiriwang ng unang taong pagkakatatag ng samahan ng Kwentuhan Series- Kalayaan. Dito ay kasama sa pagdiriwang ang piling mga bata sa ating Bayan ng Kalayaan.

Pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa pagsisimula nito. Sa ating Municipal Administrator, Admin Kris Anne L. Pesigan sa pagdalo rito at sa iba pang kabahagi ng pagdiriwang na ito.

Sa atin namang Kwentuhan Series- Kalayaan, hangad ng inyong lingkod na mas mapainog at mas mapalawak pa ninyo ang sakop ng inyong mithiin. Patuloy nawa kayong magbigay ng dagdag kaalaman at linang sa ating mga susunod na pag-asa ng Bayan. Pagbati sa inyong samahan, maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan