NEWS
  • 15 Jul, 2022
  • BY: KALAYAAN LGU

LAGUMBAY Gym Project

Hulyo 13, 2022

Isang mapagpalang araw, Bayan ng Kalayaan!

Ang inyong lingkod kasama ang ating former Congressman Benjie Agarao, ABC Giana Maria Rabin Cagandahan, Municipal Engr. Ruel Ragas at DPWH ay nagsagawa ng pagbisitang muli sa LAGUMBAY Gym para sa maayos at malinaw na strakturang ipatutupad sa nasabing proyekto. Katuwang ang bagong halal na si Congresswoman Jam Agarao upang maisakatuparan ang proyektong ito.

Ang mamamayan ng Bayan ng Kalayaan ay lubos na nagpapasalamat sa inyong suporta at pagmamahal sa aming Bayan at mamamayan.

Muli, maraming maraming salamat po.

KALINAWAN PARA SA PUBLIKO:

Ang pangalan ng Lagumbay Gymnasium ay mananatili. Ito po ay nabanggit ng ating Kgg. Benjamin C. Agarao sa kanya talumpati noong Inagurasyon dito sa ating Bayan. Ang hangarin nito ay makapagbigay ng tulong at ginhawa para sa ating mga mamamayan.

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

#OneKalayaan