NEWS
  • 16 Sep, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"LAUNCHING OF P29 AND RICE FOR ALL PROGRAM"

Septyembre 12, 2024

ANUNSYO PUBLIKO!

"LAUNCHING OF P29 AND RICE FOR ALL PROGRAM"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Malugod namin kayong inaanyayahan sa isasagawang “Launching of P29 and Rice for All Program” bukas, September 13, 2024 sa ganap na ika-8:00 ng umaga sa Municipal Covered Court.

Sa P29 program ay maaaring makabili ang mga nasa sektor ng PWD, Senior Citizen, 4Ps at solo parent ng hanggang limang (5) kilo ng bigas kada tao sa presyong P29.00 kada kilo. Magdala lamang ng ID at lagayan sa pagbili ng bigas.

Ang Rice for All Program naman ay open para sa lahat. Maaaring makabili ng bigas hanggang dalawampu’t limang (25) kilos kada tao sa presyong P45.00 kada kilo. Magdala lamang din po ng lagayan.

Limitado po ang ating bigas kaya first come first serve basis po tayo . Bukas po ay may nakahandang 50 bags of P29 at 50 bags of Rice for All lamang. Madadagdagan po ito sa mga susunod na linggo sapagkat ang programa pong ito ay magiging lingguhan na. Iaanunsyo po namin ang susunod na iskedyul ng pagbebenta ng bigas.

Ang programang ito ay nagmula kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ipinatutupad ng Department of Agriculture sa pamamagitan ni Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. at ASEC Atty. Genevieve V. Guevarra katuwang ang DA Region 4A sa ilalim ng pamamahala ni RED Fidel Libao sa pakikipag-ugnayan ng ating pamahalaang bayan sa pamamagitan ni Mayor Sandy Laganapan at Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan.

#SPL Sebisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan