NEWS
  • 22 Dec, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Leadership Training Program and Workshop for Civil Society Organization

December 28, 2023

Magandang araw mga Ka-Sektoral!

Ngayong araw, isinagawa ang isang Leadership Training Program and Workshop for Civil Society Organization na dinaluhan ng mga pangulo ng mga nangungunang sektor sa ating bayan. Ang programang ito ay pinangunahan ng Tanggapan ng Punongbayan katuwang ang inyong Sectoral Section Kalayaan Laguna.

Bilang resource speaker, ibinahagi ng ating Municipal Agriculturist Dr. Liza Yee ang mga katangian at mga tungkulin ng isang mahusay at epektibong lider o pangulo ng isang samahan. Nagkaroon din ng pagbabahagi ng mga best practices at success stories ang iba't ibang samahan.

Patuloy po ang ating pasasalamat sa butihing Mayor Sandy P. Laganapan, sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher P. Ramiro at sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan-Pesigan sa palagiang pagsuporta at paniniguro ng mga programa para sa ating mga kababayan.

Patuloy po kayong makakaasa sa mga serbisyong may tatak:

#SPL "SerbisyoParasaLahat"

#BayangMayDisiplinaSerbisyongMayMalasakit

#OneKalayaan