NEWS
  • 29 Aug, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

"LIBRENG PINTURA PARA SA PAMPUBLIKONG ESKWELAHAN SA BAYAN NG KALAYAAN"

Agosto 25,2023

"LIBRENG PINTURA PARA SA PAMPUBLIKONG ESKWELAHAN SA BAYAN NG KALAYAAN"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Bilang tugon sa programa ng Kagawaran ng Edukasyon dito sa ating Bayan ay personal na tinungo ng ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan at kanyang mga kasamahan ang bawat pampublikong eskwelahan upang ipamahagi ang mga pintura at iba pang gamit para sa pagsasaayos ng mga paaralan dito sa ating bayan para sa nalalapit na pasukan.

Ang inyo pong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. Christopher P.Ramiro ay patuloy na mag-susumikap at mananatili ninyong katuwang sa bawat proyekto at programa lalong-lalo na pagdating sa larangan ng edukasyon dito sa ating minamahal na bayan.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan