NEWS
  • 26 Jul, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

LIBRENG SCHOOL SUPPLIES 2024 (SEASON 5) BENEPISYARYO: SAN ANTONIO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

Hulyo 26, 2024

LIBRENG SCHOOL SUPPLIES 2024 (SEASON 5)

BENEPISYARYO: SAN ANTONIO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Bagama't hindi naging maganda ang lagay ng panahon patuloy na nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa taunang Brigada Eskwela at para sa paghahanda sa Balik Eskwela, masigasig na naihandog ng ating buong-pusong paglilingkod at naiukit ang ngiti sa labi ng mga piling mag-aaral ang pagbibigay ng Libreng School Supplies ngayung araw. Layunin ng programang ito na mabigyang pagpapahalaga ang edukasyon at sa pamamagitan nito ay mas mapabuti ang kinabukasan ng bawat isang batang nangangarap na makapag-aral.

Ang mga naging benipisyaryo ng programang ito ay nagmula sa ating mga mahuhusay at masisipag na guro, sapagkat sila ang mas higit na nakakakilala sa kanilang mga mag-aaral na may mas higit na pangangailangan.

Mananatili na katuwang ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro sa pagtupad ng inyong mga pangarap, Maglulunsad ng mga programa at proyekto para sa magandang kinabukasan ng bawat mag-aaral na nagsusumikap.

Muli't muli ang aking pasasalamat sa ating Sectoral Officer Angelito Presoris at MSWDO Bb. Aime Magana bilang kinatawan ng inyong lingkod at sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa pagsusumikap na maisagawa ang matagumpay na programang ito,Gayundin sa ating District Supervisor Dr. Bernon Abellera mga Punongguro at guro ng bawat paaralan ng Kalayaan at sa lahat ng mga naging bahagi at kaiisa ng programang ito.

Maraming salamat po.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan