NEWS
  • 03 Jun, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"Lingguhang pagtataas ng watawat"

Hunyo 3, 2024

"Lingguhang pagtataas ng watawat"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Sa pagpasok ng buwan ng Hunyo pinangunahan ng ating Accounting Office sa pangangasiwa ni G. Eduardo Nadal Sadsad at kanyang mga kasamahan ang unang pagtataas ng watawat sa buwang ito.

Matapos ang seremonya ay binigyang pagkilala ang ating Dental Aide na si Gng. Rosemarie Acueza Viloria sa hindi matatawarang paglilingkod sa pamahalaan at sa ating mga kababayan. Ang haba at tagal ng kanyang serbisyo ay patunay lamang ng kanyang dedikasyon, husay at pagmamahal sa bayan.

Maraming salamat sa ating panginoon at muli niya tayong binigyan ng isang magandang panahon, gayun din sa ating mga opisyal at kawani ng pamahalaan na dumalo sa seremonyang ito.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan