NEWS
  • 24 Jun, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"LINGGUHANG PAGTATAAS NG WATAWAT"

Hunyo 24, 2024

"LINGGUHANG PAGTATAAS NG WATAWAT"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños

Bagamat makulimlim ang mga ulap ngayung araw ating idinaos ang lingguhang seremonya ng pagtataas ng watawat sa huling pagkakataon para sa buwan ng Hunyo na pinangunahan ng Accounting Office sa pangangasiwa ng ating OIC Eduardo Nadal Sadsad katuwang ang kanyang mga kasamahan.

Matapos ang seremonyang ito buong kagalakang ibinalita ng ating MSWDO Aime Magana na ang samahan ng San Juan Kalinga Livelihood SLP Association ay nabigyan na ng cheke na nagmula sa programa ng DSWD na Sustainable Livelihood Program.

Buong puso ang pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ng ating Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrado Kris Anne Laganapan Pesigan sa ating Vice Governor Atty. Karen Agapay, DSWD at sa mga programang lubos na nakatutulong sa ating mga mamayan.

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan