NEWS
  • 01 Jul, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"LINGGUHANG PAGTATAAS NG WATAWAT"

Hulyo 1, 2024

"LINGGUHANG PAGTATAAS NG WATAWAT"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Sa unang araw ng Hulyo ating idinaos ang seremonya ng pagtataas ng watawat na pinangunahan ng ating tanggapan ng Pambayang Ingat Yaman sa pangangsiwa ni Gng. Lizette Madrazo Fadri katuwang ang kanyang mga kasamahan.

Matapos ang Seremonya ipinakilala ng ating MPDO Engr. Jobs Robina Ragas ang mga itinalagang CBMS Enumerator, Team Leader, and Supervisor. Sumunod naman na binigyan ng sertipiko ang mga kabataang nag tapos sa programang iSports Para sa Lahat sa larangan ng arnis.

Lubos ang pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayang Members sa pangunguna ng Ating Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa mga masisipag na kawaning palagiang dumadalo sa seremonyang ito.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan