NEWS
  • 11 Jul, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"LINGGUHANG PAGTATAAS NG WATAWAT"

Hulyo 9, 2024

"LINGGUHANG PAGTATAAS NG WATAWAT"

Isang mapagpalang aras, minamahal kong Kalayaeños!

Kahapon araw ng Lunes at sa pagsisismula ng ikawalawang linggo ng Hulyo pinangunahan ng ating Treasury Office sa pangangasiwa ng ating Pambayang Ingat Yaman Lizette Madrazo Fadri at kanyang mga kasamahan ang ating lingguhang seremonya ng pagtataas ng watawat.

Kasabay nito ang paglulunsad ng ng ating Buwan ng Nutrisyon na may temang "SA PPAN SAMA-SAMA SA NUTRISYONG SAPAT PARA SA LAHAT" sa pangunguna ng ating MNAO Cecilia Flores, Buong kagalakan ding niyang ibinalita na ang Bayan ng Kalayaan ay muli nanamang nagkamit ng karangalan dahil sa ating OUTSTANDING IMPLEMENTATION OF NUTRITION PROGRAMS.

Matapos ang seremonya ipinakilala ng ating PESO MANAGER Faith Ferrancol ang unang batch ng provincial and local SPES ng ating bayan.

Nawa ay ang mga karangalan at programa ng ating bayan ay lalo pang madagdagan sa pagtutulungan at pagkakaisa ng ating mga kawani at mga nanunungkulan sa ating bayan sa Pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan Sangguniang Bayang Members sa pangunguna ng ating Vice-Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan