NEWS
  • 16 Sep, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"LINGGUHANG PAGTATAAS NG WATAWAT"

Agosto 27, 2024

"LINGGUHANG PAGTATAAS NG WATAWAT"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Bagamat walang pasok kahapon araw ng Lunes ating isinagawa ngayung araw ang ating lingguhang pagtataas ng watawat sa pangunguna pa din ng ating MCRO sa pangangasiwa ni Gng. Adelaida Agana katuwang ang kanyang mga kasamahan.

Matapos ang seremonya taos pusong nagpasalamat ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan sa ating mga kasamahan sa paglilingkuran, Sangguniang Bayan Members, sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan, mga pinunong tanggapan, mga kawani at mga Kalayaeños ito ay kaugnay sa parangal na ating natanggap nitong lunes na mula sa Laguna Excellence Awards.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan