NEWS
  • 26 Nov, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

LINGGUHANG PAGTATAAS NG WATWAT

Nobyembre 18, 2024

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Maraming salamat sa kaligtasan ipinag kaloob sa ating munting bayan, at walang nasalanta ang bagyong Pepito. Ito ay una dahil sa gabay ng ating Panginoon at pangalawa ay dahil sa ating kahandaan at pag iingat.

Sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy P. Laganapan kasama ang bumubuo ng Sannguniang Bayan Members sa pamumuno ni Vice- Mayor Christopher P. Ramiro, ang lingguhang pag tataas ng ating bandila ay pinangunahan ng Tanggapan ng Pambayang Pangkalusugan, sa pangunguna ni Dra. Rica P. Pamatmat.

Muli, ang Tanggapan ng Pambayang Pangkalusugan ay nagkamit na naman ng pagkilala sa larangan ng pag babakuna sa mga Sanggol at sa pag mamatyag sa mga Vaccine Preventable Diseases na isa sa mga pangunahing misyon ng kanilang tanggapan.

Ang mga sumusunod ay ang pag kilalang natanggap ng ating munting bayan;

1. Gold Achievement Award -in grateful recognition of their outstanding performance as the Top -1 Municipality on Fully Immunized Child (FIC ) Coverage based on the 2024 midyear report in the Field Health Services Information System.

2. Silver Achievement Award - in grateful recognition of their notable performance in the Bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity conducted last May to June 2024.

3. Silver Achievement Award in grateful recognition as a Top- Performing Municipal Diseas-Reporting Unit that contributed in the strengthening public health surveillance and maintaining the polio-free status of the province of Laguna.

4 Certificate of Recognition to Barangay Health workers as the Health Education and Promotion Officer in the community.

Kung kaya't ang inyong lingkod Mayor Sandy P. Laganapan, kasama si Vice-Mayor Christopher P. Ramiro at Sangguniang Bayan, at sa patuloy na pag gabay ng ating Pambayang Administrator Gng. Kris Anne L. Pesigan ay patuloy ang pag suporta para sa ikauunlad at kagalingan ng ating munting bayan ng Kalayaan.

Maraming salamat po!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan