NEWS
  • 10 Jul, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

lingguhang programa na pagtataas ng watawat at Paglulunsad ng pinagtibay na Resolution No. 637 Series of 2023 at ang Provincial Tax Ordinance No. 1 Series of 2023 mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Laguna.

Hulyo 10,2023

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Naging masaya at makabuluhang araw ang pagsisimula ng ating linggo, sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Vice Mayor Christopher Ramiro, Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ng Pamahalaang Bayan ng Kalayaan sa ginanap na lingguhang programa na pagtataas ng watawat. Na ito ay pinangunahan ng Municipal Treasury Office sa pamumuno ni Gng. Lizette Madrazo Fadri

Kasabay rin nito ay inilunsad ng Municipal Treasury Office ang pinagtibay na Resolution No. 637 Series of 2023 at ang Provincial Tax Ordinance No. 1 Series of 2023 mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Laguna.

Sa pagbubukas ng panibagong linggo,ipagpatuloy lang natin ang ating nasimulang buong-pusong serbisyong may malasakit para sa lahat ng mamamayan ng Bayan ng Kalayaan.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan