NEWS
  • 16 Oct, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

"LOCAL SPES PROGRAM"

Oktubre 12, 2023

"LOCAL SPES PROGRAM"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Sa dedikasyon ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Kahapon ika-11 ng Oktubre ay isinagawa ang pagbibigay ng sahod sa ating mga Local SPES na personal na pinangunahan ng ating Pambayang Adminidtrador Kris Anne Laganapan Pesigan katuwang ang ating PESO Manager Gng. Sweet Faith Ferrancol. Ang kanilang natanggap ay ang parsyal na animnapung (60%) porsyento ng sahod na kanilang kabuuang sahod.

Kabataan,patuloy nawa kayong maging mabuting ehemplo at halimbawa sa inyong kapwa. Pagmulan nawa kayo ng kabutihan at katalinuhan.Patuloy na patunayan na ang "Kabataan ang Pag-asa ng Bayan"

Mananatili ang inyong lingkod na nakasuporta sa mga proyekto at programa na patuloy na ilulunsad ng ating Pamahalaang Bayan para sa magandang kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan