NEWS
  • 16 Sep, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"MOTHER-BABY FRIENDLY CALABARZON"

Agosto 29, 2024

"MOTHER-BABY FRIENDLY CALABARZON"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños

Kahapon Agosto 28, 2024 Tinanggap ng ating MNAO Cecilia Flores kasama ang ating Sectoral Officer Angelito Presoris bilang kinatawan ng inyong lingkod ang isang karangalan na nag mula sa CALABARZON Nutrition Office.

Lubos ang kagalakan ng inyong lingkod sa paranggal na ito para sa ating bayan dahil ito ay nagpapatunay lamang ng ating pagbibigay importansya at pagpapahalaga sa bawat ina at batang Kalayaeño.

Ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members, sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro at ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ay saludo sa sipag at dedikasyon ng ating Municipal Nutrition Office sa pagseserbisyo sa ating minamahal na mamamayan.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan