NEWS
  • 06 Sep, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

Mass Immunization mula sa Red Cross Philippines

Setyembre 3, 2021

Magandang Araw, mga minamahal kong Kalayaeños!

Noong nakaraang Setyembre 3, 2021 ay nagsagawa ng Mass Immunization sa ating Bayan para sa ating mga kababayang hindi pa nakatatanggap ng bakuna. At ito ay may kabuuang bilang na eight hundred eighteen ( 818 ) indibidwal.

Ang aming pasasalamat ay para sa ating Red Cross Philippines sa pangunguna sa pagsasagawa ng Mass Immunization na ito. Gayundin sa ating Kalayaan Rural Health Unit sa pagiging katuwang at pagiging abala.

Nawa tayong lahat, mga minamahal kong Kalayaeños ay patuloy nating sundin ang mga health protocols na ipinapatupad. Panatilihin ang pagiging malusog ng ating katawan at stay at home para sa ating kaligtasan.

#onekalayaankontracovid19

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"