NEWS
  • 12 Oct, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

Mayor Sandy's Programang Libreng School Supplies 2021

October 11, 2021

Isang mapagpalag araw, mga minamahal kong Kalayaeños!

Ngayon araw ng lunes ay ating ipinagpatuloy ang ating Mayor Sandy's Programang Libreng School Supplies. Ang mga benepisyaryo ngayong araw ay ang ating mga mag-aaral mula sa Sitio Pulot/Bae.

Tunay na hindi hadlang ang layo at distansya upang makapagbigay tayo ng tulong lalo na at para sa pag-aaral ng mga kabataang ito na may malawak na pangarap. Kasabay din nito ay ang Supplementary Feeding Program na pinangunahan ng ating Tanggapan ng MNAO at BNS ng Barangay San Antonio. Maraming maraming salamat sa lahat ng naglaan ng kanilang oras upang maisakatuparan ang aktibidad na ito. Maraming Salamat din sa ating District Supervisor, G. Bernon Abellera at sa lahat ng ating minamahal na guro sa pakikisa at pagdalo. Gayundin, pasasalamat sa sa ating Executive Assistanant II/ Sectoral Officer, Mr. Angelito Q. Presoris at sa ating LGOO VI, Juan Paolo S. Brosas sa paglalaan ng kanilang oras.

Sa aming mga kabataan, patuloy kayong lumipad ng malaya at mangarap. Lahat ng hirap ay may kapalit na kaginhawaan. Nawa sa aming simpleng pamamaraan ng pagtulong na ito ay maibsan ang inyong pangangailangan sa pag-aaral. Sama- sama tayo sa pagharap sa bagong umaga taglay ang ngiting namumutawi sa labi ng bawat isa. Mabuhay at maraming salamat!

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan