NEWS
  • 12 Oct, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

MAYOR SANDY'S PROGRAMANG LIVELIHOOD: DISHWASHING LIQUID MAKING

October 12, 2021

MAYOR SANDY'S PROGRAMANG LIVELIHOOD: DISHWASHING LIQUID MAKING

Isang mapagpalang araw, mga minamahal kong Kalayaeños!

Sa pangunguna ng inyong lingkod, Mayor Sandy P. Laganapan ay isinagawa at naisakatuparan ang ating 'Mayor Sandy's Programang Livelihood: Dishwashing Liquid Making' para sa ating mga kababayan dito sa ating Bayan ng Kalayaan.

Isang pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nag-abala para sa pagsasagawa ng programang ito. Sa ating Pambayang Administrador, Admin Kris Anne L. Pesigan. Sa ating Sectoral Officer, Mr. Angelito Q. Presoris at sa lahat ng mga kalahok na Solo Parents at Samahan ng kababaihan dito sa ating Bayan ng Kalayaan.

Sa munting pagtulong namin na ito nawa ay makagawa ng malaking pagbabago sa inyo upang makapagsimula ng panibagong hanapbuhay. Tulong tulong sa paglaban sa pandemyang ito. Walang maiiwan. Maraming Salamat po!

#SPL "Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan