"MEDICAL AND DENTAL MISSION 2024 SA SITIO MAGALOLON"
Mayo 05, 2024
"MEDICAL AND DENTAL MISSION 2024 SA
SITIO MAGALOLON"
Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños
Personal na nag tungo ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Vice Mayor Christopher Ramiro at Rhu Kalayaan Laguna sa Sitio Magalolon upang kumustahin ang ating mga kababayan doon at upang matagumpay na maisagawa ang ating Medical at Dental Mission, ang nasabing programa ay dinaluhan ng ating mga kababayan na nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan gaya ng mga sumusunod:
*Libreng Medical Consultation
*Libreng Chest X-ray
*Libreng Dental Services tulad ng:
- bunot ng ngipin
- linis ng ngipin
- dental consultation
*Libreng Laboratory Services tulad ng:
- Urinalysis
- Fecalysis
- Pregnancy Test
- Fecal Occult Blood Test
- RBS
- Total Cholesterol
- Blood Uric Acid
- Hemoglobin
- Dengue NS1Ag
- Syphillis
- HBsAg Screening
- HIV Screening
Maliban sa mga serbisyong medical at dental, namigay din tayo ng mga gamot at iba't ibang bitamina na nag mula sa DOH at ABS-CBN Lingkod Kapamilya na malaking tulong sa ating mga kababayan lalong higit sa mga nangangailangan.
Taos puso ang pasasalamat ng inyong lingkod sa ating mga bayaning Doktor, Dentista,Nurse at mga kawani na nag mula pa sa Provincial at Regional. Maraming salamat din sa husay at dedikasyon ng ating RHU KALAYAAN sa pangunguna ni Dra. Rica Paraiso Pamatmat kasama ang ating Dentista na si Dra. Janette Flores, kawani, at mga nurse ng ating bayan na punong abala sa programang ito. Espesyal na pasasalamat din sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya sa handog na malaking tulong para sa ating misyon.
Muli maraming salamat po!
#SPL Serbisyo Para sa Lahat
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"