"MEDICAL AND DENTAL MISSION 2024 SA SITIO PULOT/BAE"
Hunyo 07, 2024
"MEDICAL AND DENTAL MISSION 2024 SA
SITIO PULOT/BAE"
Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños
Bagamat hindi naging maganda ang lagay ng panahon kahapon ika-6 ng Hunyo ay tuluy tuluy pa rin ang ating Medical at Dental Mission sa Sitio Pulot/Bae ito ay sa pangunguna ng Rhu Kalayaan Laguna sa pangangasiwa ni Dra.Rica Paraiso Pamatmat kasama ang ating Municipal Dentist Janette Flores at mga kawani ng RHU Kalayaan. Narito ang mga serbisyong dala ng ating misyon:
*Libreng Medical Consultation
*Libreng Chest X-ray
*Libreng Dental Services tulad ng:
- bunot ng ngipin
- linis ng ngipin
- dental consultation
*Libreng Laboratory Services tulad ng:
- Urinalysis
- Fecalysis
- Pregnancy Test
- Fecal Occult Blood Test
- RBS
- Total Cholesterol
- Blood Uric Acid
- Hemoglobin
- Dengue NS1Ag
- Syphillis
- HBsAg Screening
- HIV Screening
Maliban sa mga serbisyong medical at dental, namigay din tayo ng mga gamot at iba't ibang bitamina na nag mula sa DOH at ABS-CBN Lingkod Kapamilya na malaking tulong sa ating mga kababayan lalong higit sa mga nangangailangan.
Taos puso ang pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa ating mga bayaning Doktor, Dentista,Nurse at mga kawani na nag mula pa sa Provincial at Regional. Maraming salamat din sa husay at dedikasyon ng ating RHU KALAYAAN sa pangunguna ni Dra. Rica Paraiso Pamatmat kasama ang ating Dentista na si Dra. Janette Flores, kawani, at mga nurse ng ating bayan na punong abala sa programang ito. Espesyal na pasasalamat din sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya at Amara Farm sa handog na malaking tulong para sa ating misyon.
Muli maraming salamat po!
#SPL Serbisyo Para sa Lahat
"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"