NEWS
  • 09 Nov, 2021
  • BY: KALAYAAN LGU

MEDICAL MISSION AND DENTAL KIT DISTRIBUTION

November 8, 2021

MEDICAL MISSION AND DENTAL KIT DISTRIBUTION

Isang mapagpalang araw mga minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw ay nagsimula na ang ating Free Medical Mission and Dental Kit Distribution sa ating mga ka-barangay sa Brgy. San Juan. Ang tema nito ay, 'Serbisyong Pangkalusugan para sa Ligtas na Lipunan 2021'. Hangad ng programang ito na makapagbigay ng libreng tulong para sa ating mga kababayan na hindi magkaroon ng pagkakataon na makapagpatingin ng regular patungkol sa kanilang kalusugan.

Isang pasasalamat una at higit sa ating mga kasamahan mula sa Tanggapan ng Kalayaan RHU sa pangunguna ni Dra. Rica P. Pamatmat. Gayundin din kay Kapitana Giana Maria Rabin Cagandahan at samahan ng Barangay Health Workers ng Barangay San Juan. Pasasalamat din sa CBK Power Company Limited at PBSP sa kanilang pakikiisa sa programang ito ng ating bayan.

Sa mga ka-barangay natin sa Barangay Longos at San Antonio ay maghintay lamang po ng anunsyo para sa schedule sa inyong mga barangay.

Muli, maraming maraming salamat po sa lahat. Patuloy po tayong mag-ingat at sumunod sa mga health protocols. Ang kalusugan pa rin ang tunay nating kayamanan. Mabuhay po tayong lahat!

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan