Memorandum Of Agrrement Signing between DOH-TRC and LGU Kalayaan - Drug Rehabilitation Program
June 02,2023
Isang Drug Free Kalayaan ang sumainyong lahat,minamahal kong Kalayaeños!
Ang inyo pong abang lingkod Mayor Sandy P. Laganapan, kasama Ang ating Vice-Mayor Christopher P. Ramiro, Dr. Rica P. Pamatmat - MHO, Police Major Reden B. Valdez , Dr. Alfonso A. Villaroman- Chief of Hospital at Mr. Ricky G. Gaborno, Financial & Management Officer-II, ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement ngayong araw na ito.
Ang MOA na ito ay ang kasunduan sa pagitan ng Department of Health - Treatment and Rehabilitation Center Bicutan at ng ating Munisipalidad, na nag lalayon na ang lahat ng sasailalim sa Drug Rehabilitation program na lumabag sa Section 15 of RA 9165 ng ating pamahalaan ay maaring boluntaryong sumailalim sa Confinement, Treatment and Rehabilitation or pwersahang paglalagak kung siya ay aayaw sa boluntaryong confinement.
At dahil Ang layunin ng inyong lingkod ay mag karoon ng isang Drug Free Community, Ako po Mayor Sandy P. Laganapan kasama Ang Sangguniang Bayan ay gumawa ng Resolution, na nag lalayon ng bahaginan ng ating LGU Ang lahat ng first time indigent drug dependent patient na sasailalim sa confinement, treatment and rehabilitation program ng ating Pamahalaan.
Kung kaya't tulungan nyo po kami na sama-sama natin labanan ang kampanya laban sa ipinag babawal na droga dito sa ating munting bayan ng Kalayaan.
" Say No to drugs, Yes to Drug Free Kalayaan"
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"