NEWS
  • 24 May, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"MOA SIGNING BETWEEN LGU KALAYAAN AND BAHAY TULUYAN FOUNDATION INC."

Mayo 24, 2024

"MOA SIGNING BETWEEN LGU KALAYAAN AND BAHAY TULUYAN FOUNDATION INC."

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw ng Biyernes nagtungo ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan at Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating MSWDO Aime Magana sa Bahay Tuluyan Foundation Inc. upang pumirma ng isang mahalangang kasunduan kasama si Executive Director Catherine Scerri at Center Manager Abigail Abuelo.

Ang Bahay Tuluyan Foundation Inc. ay isang Non Government Organization na nagpapahalaga sa dignidad at karapatan ng bawat bata, Sila rin ang kumikilos upang maagapan at marespondehan ang mga batang nakararanas ng pang aabuso't karahasan sa loob man o labas ng kanilang tahanan. Sinisigurado din nila na ang karapatan ng bawat bata ay mapupunan at maproprotektahan. Katuwang nila sa gawaing ito ang kabataan, pamilya at kumunidad.

Ang magandang adhikain na ito ng inyong lingkod kasama ang Bahay Tuluyan ay paniguradong uusbong at magbubunga para sa kinabukasan ng bawat kabataan.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan