NEWS
  • 20 Jun, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"MOA SIGNING CEREMONY BETWEEN DSWD REGION 4-A AND MUNICIPAL LGUs, PROVINCE OF LAGUNA"

HUNYO 20, 2024

"MOA SIGNING CEREMONY BETWEEN DSWD REGION 4-A AND MUNICIPAL LGUs, PROVINCE OF LAGUNA"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Ngayun araw dumalo ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan sa isang pagpupulong at upang pumirma sa isang mahalagang kasunduan sa pagitan ng DSWD Region 4-A at mga Munisipalidad ng Laguna na ginanap sa Bayan ng Pagsanjan.

Ang MOA Signing na naganap ay patungkol sa Programa ng DSWD na Sustainable Livelihood Program o SLP na naglalayong makapagbigay trabaho o pag kakakitaan upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga kababayan nating na nasa laylayan.

Isang daang porsyento ang suporta ng inyong lingkod kasama ang Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ng ating Vice Mayor Christopher Ramiro at Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa mga programang gaya nito at lubos din ang aming pasasalamat sa sipag at dedikasyon ng ating MSWDO Aime Magana.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan