NEWS
  • 17 Jul, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

MOVING-UP AND GRADUATION CEREMONY 2023 SA PAARALAN NG SITIO LUNAO ELEMENTARY SCHOOL TEMA: GRADWEYT NG K TO 12 HINUBOG NG MATATAG NA EDUKASYON

Hulyo 17,2023

MOVING-UP AND GRADUATION CEREMONY 2023 SA PAARALAN NG SITIO LUNAO ELEMENTARY SCHOOL

TEMA: GRADWEYT NG K TO 12 HINUBOG NG MATATAG NA EDUKASYON

Isang mapagpalang hapon,minamahal kong Kalayaeños!

"Ang EDUKASYON ay ang isa sa pinagtutuunang pansin ng inyong lingkod" Noong ika-13 ng Hulyo araw ng Huwebes, Bilang kinatawan ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan gayundin bilang Panauhing Tagapagsalita ay personal pong muli na tinungo ng ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ang pagbibigay ng mensahe sa ating mahuhusay na mag-aaral na nagsipagtapos para sa ating mga mag-aaral ng Sitio Lunao Elementary School.

Sa inyong mga magsisipagtapos,nagsikap kayong mabuti upang marating ang espesyal na araw na ito.Lahat ng inyong natutunan ay magagamit ninyo sa hinaharap. Nagsisimula pa lamang ang inyong mga buhay na magbubukas sa marami pang pagkakataon para kayo ay umunlad sa iba't ibang larangan.

Sa panibagong yugto ng inyong buhay, sa mga bagong hamon na inyong haharapin, sa panibagong pamayanan na inyong pakikisamahan, sa mga bagong kaibigan na inyong makikilala, lalo't higit sa mga bagong karunungang inyong makukuha, nawa'y lagi ninyong isa puso ang tema ng inyong pagtatapos na: "Gradweyt ng K to 12 Hinubog ng Matatag na Edukasyon"

Magiging matatag kayo palagi sa landas ng inyong tatahakin. Hindi madali ang buhay. Maraming pagsubok ang inyong pagdaranasan. Ngunit ang inyong anim na taong pananatili sa inyong mahal na paaralang Sitio Lunao Elementary School, ang mga guro kamag-aral, mga magulang at ang mga kaalamang inyong natutunan, ay ang inyong magiging sandata upang mapagtagumpayan ang hinaharap sapagka't kayo ay hinubog ng isang matatag na edukasyon!

Muli, binabati ko kayo sa inyong matagumpay na pagtatapos at sa marami pang tagumpay na darating sa inyong buhay!

Pasasalamat din sa ating District Supervisor Dr. Bernon Abellera, Master Teacher II, Teacher Leader Rorenda C. Ratac mga guro ng paaralan ng Sitio Lunao Elementary School.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan