NEWS
  • 23 Oct, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

MUNICIPAL GOVERNMENT OF TUBA,BENGUET BRIEFING/ORIENTATION ON BEST PRACTICES ON eBOSS AND TOURISM MANAGEMENT 2nd BATCH

Oktubre 20, 2023

MUNICIPAL GOVERNMENT OF TUBA,BENGUET

BRIEFING/ORIENTATION ON BEST PRACTICES ON eBOSS AND TOURISM MANAGEMENT

2nd BATCH

Headead by: Municipal Vice Mayor Hon. Maria L. Carantes and Sangguniang Bayan Members

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Noong ika-20 ng Oktubre araw ng Biyernes 2023 ay maiinit na sinalubong ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang ating Vice Mayor Christopher Ramiro at bumubuo ng Sangguniang Bayan Members, Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan, mga Punong Departamento at mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan ang pagbisita ng mga pinuno at kawani ng Local Government Unit ng TUBA,BENGUET sa pamumuno ng kanilang Municipal Vice Mayor Hon. Maria Carantes at mga bumubuo ng Sangguniang Bayan members para sa isang Learning Visit (Briefing/Orientation on Best Practices on eBOSS and Tourism Management). Ito ay may kaugnayan o hinggil sa pagiging Awardee natin sa Seal of Good Local Governance (SGLG).

Dahil dito ipinamalas ng mga tagapagsalita mula sa Municipal Treasury Office , Gng. Lizette Madrazo Fadri at Tourism Office G. Herben C. Dela Paz ang mga programa at proyektong isinagawa sa ating bayan na kung saan ang Bayan ng Kalayaan ay nabigyan ng parangal sa larangan ng Pagkilala sa katapatan at kahusayan ng Pamahalaang Lokal kung kaya't ito ay buong puso kong ipinagmamalaki, BAYAN NG KALAYAAN!

Maraming salamat.

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

#OneKalayaan