NEWS
  • 03 Jul, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

Nabigyan ng pondong pangkabuhayan ang samahang One Kalayaan SLP Association.

uly 3, 2023

Isang mapagpalang Hapon,minamahal kong Kalayaeños!

Ngayong araw, sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinamumunuan ni Bb. Aimee Magana, ay nabigyan ng pondong pangkabuhayan ang samahang One Kalayaan SLP Association.

Ang tulong na ito ay mula sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Layunin ng programang ito ang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga benepisaryong indibidwal, samahan o komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng panimulang puhunan para sa angkop na livelihood program na nais nilang simulan.

Patuloy ang aking pasasalamat sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher P. Christopher Ramiro sa ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan-Pesigan at Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pamumuno ni G. Angelito Presoris palagiang pagsuporta at paniniguro ng mga programa at mga ayuda para sa ating mga kababayan.

Muli,maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

#BayangMayDisiplinaSerbisyongMayMalasakit

#OneKalayaan