NEWS
  • 14 Aug, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

"National Blood Service Act of 1994"

Hulyo 31,2023

Isang matagumpay na araw ang suma atin lahat!

Buong galak ko pong ipinag mamalaki sa inyo bilang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan at ng ating Vice-Mayor Christopher Ramiro P. Ramiro kasama ang Sangguniang Bayan.

Mahal kong mga kababayan, ang karangalang nakamit ng ating bayan mula sa Red Cross, Laguna Chapter na nanguna sa "National Blood Service Act of 1994" also known as REpublic Act 7719, ng nakaraang taong 2022. ay nakamit nito lamang July 28, 2023.

Kung kaya’t lubos kong pinasasalamatan ang aking mga kababayang Kalayaeños, na siyang tunay na mga bayani, na boluntaryong maglaan at mag handog ng patak ng kanilang mga dugo para sa kapwa nila kababayan na nangangailangan nito.

Maraming salamat din sa Municipal Health Office and health Staff sa pangunguna ni Dr. Rica P. Pamatmat dahil sa kanilang kahusayan, kabaitan at kasipagan ay matagumpay nilang naisagawa ang ganitong programa.

Gayundin pasasalamat din sa Red Cross Laguna Chapter na kaagapay namin sa programang ito, at sa pag kilala ng aming kagalingan, lalo’t higit sa RHO-4A na nag bibigay rin ng mga ayuda kung may Mass Blood Donation, sa pamamagitan ni Ms. Arlene Bernardine Sahagun na DMO ng bayan ng Kalayaan, ganun din po sa PHO sa pakikipag ugnayan at gabay ni Mr. Noel Rabajante, ang Provincial Blood Service Coordinator.

Muli ang aking panawagan sa aking mga kababayang Kalayaeños, na huwag magsawa na samahan ako sa pag tulong sa aming mga kababayan na nangangailangan at mangangailangan ng dugo, upang madugtungan ang kanilang buhay.

Kaya’t maraming salamat muli sa inyong lahat, lalo’t higit sa ating Municipal Administrator na si Mrs. Kris Anne L. Pesigan na nag papahalaga sa atas ng inyong lingkod, para matugunan ang pangangailangan ng mahal kong mga kababayan.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan