NEWS
  • 08 Aug, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK 2024"

Agosto 02, 2024

"NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK 2024"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Kahapon,Ika- 01 ng Agosto 2024 Ang Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan sa pangunguna ng ating MSWDO Gng. Aime Magana at ng ating Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pangunguna ni Executive Assistant II/Sectoral Officer, G. Angelito Presoris ay nagsagawa ng Livelihood Program para sa mga kababayan nating PWDs o Persons With Disability. Ang nasabing Livelihood ay ang pag gawa ng Liquid Detergent, Powder Detergent and Perfume. Pinangunahan ng TESDA-LLDA ang nasabing program.

Layunin ng Livelihood Program na magkaroon ng karagdagang kaalaman at pangkabuhayan para sa ating mga kababayang PWD. Itinuro sa kanila ang mga pamamaraan ng pag gawa ng Liquid Detergent, Powder Detergent at Perfume. May kasama na ding Kit upang kanilang magamit para maka pag simula ng negosyo.

Pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan Members sa pamumuno ni Vice- Mayor Christopher Ramiro at ng ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan at sa lahat ng naging bahagi ng programang ito.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan